Posted by: pinoybigwater | January 24, 2008

Bakit ako iinom ng Pinoy Big Water?

Secret Weapon

Matamis, masarap, malamig, masustansya!*

Ilan lamang po iyan sa instant reaction ng dumarami nating mga kababayan na nahu-hook sa Pinoy Big Water. Natural lang naman iyan dahil ang tubig ni Kuya ay dumaan sa masusing proseso ng water purification and filtration. At upang mas maunawaan ang sikreto ng tubig na ito, nagsagawa po ang mga housemates ng ambush interview kay Kuya. At ito ang official statement mula sa kanya, na dito ninyo lamang po unang makikita:

“Housemates, ako ay natutuwa dahil marami ang napapasaya at natutulungan ng Pinoy Big Water. Ang tubig na ito ay hindi basta ordinaryong tubig lamang, ito ang totoong tubig ng buhay! Siguradong ligtas, malinis, masarap at healty ang aking tubig dahil sa 24 stages state-of-the-art machine, na maihahalintulad sa standard na ginagamit ng water purification & filtration systems ng United States. Ang machine rin na ito ang aking ginagamit sa lahat ng Pinoy Big Water editions na matatagpuan sa iba’t ibang lugar. “

“Kaya kung may malapit na PBW house sa inyong lugar, huwag mag-atubiling bumisita at uminom lamang ng aking tubig! Hangad ko ang inyong kalusugan, kaya ang daily task ko sa inyo mula sa araw na ito ay uminom lamang ng Pinoy Big Water, ang totoong tubig ng buhay!”


Leave a response

Your response:

Categories