Maraming nagtatanong kung paano na-maintain ng Pinoy Big Water ang high quality product at services nito. Ang lahat po ay dahil sa isang “libro” na naglalaman ng lahat ng standard operating protocols (SOP), GMRC, tamang pangangalaga sa mga machines, at mga houserules na dapat sundin ng bawat housemate na inatasan ni Kuya upang maging tagapamahala sa loob ng kanyang bahay. Ito po ang introduksyon sa nasabing aklat na available lamang for PBW Editions/franchises at sa kanilang mga housemates :
Maligayang pagdating sa aking bahay! Bilang housemate, dapat mong pag-aralang mabuti ang librong ito na naglalaman ng aking mga alituntunin o “houserules”. Ito ang maghahanda sa iyo upang magampanan ng mabuti ang task na makapag-deliver ng malinis, ligtas, at healthy na tubig sa ating mga customers.
Simula ng unang magbukas ang bahay ni Kuya hanggang sa ngayon, tinupad ng PBW ang misyon na makapagbigay ng high-quality na produkto at serbisyo. At dahil ako ay naniniwala sa iyong kakayahan, binibigyan kita ng chance na patunayan ang iyong sarili at maging produktibo, kapakipakinabang, at asset ng aking bahay.
Bilang panimula, nais kong ipaalala sa iyo ang mga pangunahing prinsipyo na naging foundation sa tagumpay ng PBW. Ito ay ang mga sumusunod:
- Ang Pinoy Big Water House ay malinis anumang oras
- Ang lahat ng housemates ay disiplanado, malinis, matapat, maagap, masipag, friendly, mapagkakatiwalaan, at higit sa lahat, goodlooking
- Ang mga customers ang buhay ng aking bahay kaya dapat silang alagaan
- Masaya ang buhay sa aking bahay. Hangad ni “kuya” ang kabutihan ng lahat ng naging bahagi ng buhay ng PBW
Inaasahan ko na susundin nyong mabuti ang mga prinsipyong nabanggit. Nakasaad rin sa librong ito ang mga rules and condition at ang mga bagay na dapat at hindi ninyo dapat gawin sa aking bahay. Ang hindi pagtupad at iba pang violations ay nangangahulugan ng automatic eviction kung saan kayo ay hindi na maaring maging housemate ng aking bahay.
