Ang Pinoy Big Water Main Edition ay matatagpuan sa Rawis, Legazpi City, Albay. Ito ang unang Pinoy Big Water nationwide at worldwide na itinatag noong March 2006. Nature-lover rin po kasi si Kuya kaya naisip niya na magtayo ng bahay malapit sa napakagandang Mayon volcano, ang world’s most perfect cone-shaped volcano. Sikat na sikat po ang Mayon, at sinumang turista ay hindi maalis sa kanilang listahan ng tourist destination, kasama na ang pagbisita sa pamosong bahay ni Kuya at paginom ng totoong tubig ng buhay – na talaga namang sobrang sarap at refreshing.
Ang Main Edition ay pinamamahalaan ni Kuya Joseph Cadag at Kuya Raymond Escalante, kapwa bata, matipuno, cute at mabait. Silang dalawa ang “bestfriends” at ka-jamming everyday ni Kuya. Ang kanilang tandem ang naging daan ni Kuya upang umpisahang buksan ang kanyang bahay sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas (and hopefully in places near you!), at upang makapagbigay ng quality service at healthy and safe water sa mas nakararaming housemates.
Kung ikaw ay interested na buksan ang bahay ni Kuya sa inyong lugar, tumawag, sumulat o bumisita lang sa aming business & customer centers. Nag-ooffer rin si Kuya ng “free taste” & “kwelang conversation”, kaya tawag na!.
- House Consultants: Kuya Raymond Escalante & Kuya Joseph Cadag
- House Supervisor: Kuya Anthony Belaro
- Housemates: Val, Edsel, Impe, Aron
- Address: Rawis, Legazpi City, Philippines
- Phone: 482-1238 / 0918-217-2327
