Posted by: pinoybigwater | January 18, 2008

PBW Liliw Edition

PBW Liliw

Kung mahilig ka sa sapatos, marahil pamilyar sa iyo ang Liliw, isang lugar sa Laguna na matatagpuan sa paanan mismo ng Mt. Banahaw. Ito ang tinangguriang “next” shoe capital ng Pilipinas, pumapangalawa sa Marikina city. Tanyag rin ang Liliw sa world-class na spring resorts at masarap na candies at native delicacies. Ngunit higit sa lahat, sikat na sikat ang lugar dahil dito itinayo ni Kuya ang kanyang ikalawang bahay.

Ang Pinoy Big Water Liliw Edition ay matatagpuan sa Poblacion, Liliw, Laguna. Ito ay pinamamahalaan ni Kuya Louie at Ate Ana Panopio, ang mag-asawang chemist na siya ring naging unang consultant, tagapayo at tumayong magulang ng Pinoy Big Water Main Edition. Dahil sa tulong ng mag-asawa, nasiguro ang quality at na-maintain ang freshness at pagiging totoong tubig ng buhay ng Pinoy Big Water.

Ang bahay ni Kuya sa Liliw ay naging daan sa mga housemates at turista na madalas bumisita sa nasabing lugar upang masiguro na ang iniinom nilang tubig ay safe, fresh at healthy. Feel at home ka pa dahil talaga namang napakaganda at napakalinis ng bahay ni Kuya na aakalain mong nasa isa kang 5-star hotel :D At talagang may pagka-native pa, inspired by our very own bahay kubo.

Kung taga-Liliw ka o nagbabalak pumunta doon, huwag kalimutang bumisita sa PBW Liliw Edition. Para sa karagdagang impormasyon, ito po ang kanilang contact details:

  • House Manager: Kuya Louie & Ate Ana Panopio
  • Housemate: Samuel (aka Sam Milboy)
  • Address: Poblacion, Liliw, Laguna, Philippines
  • Phone: 0916-572-8848 / 0915-751-2312

Leave a response

Your response:

Categories